"We came together underneath the stars above. What started out as liking soon developed into love. I sense a certain something that, in my heart, felt so true that I knew I waited all my life to fall in love with you."

*JENDI ^_____^

Hey hey. Kilala ako sa nickname na Jeje. Nang may makaaway ako, ang tawag niya sakin ay Jendi o di kaya'y Jepoks. Haha. Nagustuhan ko nga kaya yun nalang ilagay ko rito. Try niyo nalang idecipher kung anong ibig sabihin nun ;) I wear eyeglasses so most people think of me as a geek, and I don't know why. I usually write stuff on my cellphone but since it was stolen by some girl, I'd do it here nalang.

Yung iba rito based on true life. I hope you'll like it! Comments are highly appreciated! :)



POSTS

Prologue
Chapter 1
Chapter 2

Layout: hasta mañana
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


Chapter 6
Saturday, December 18, 2010 || 10:11 PM

"Bakit ka umiiyak?"

Niyakap ko nalang si kuya Miel. Tapos biglang dumating si Stephen.

"Karen."

"Siya ba? Siya ba yung nagpaiyak sayo?"

"Kuya Miel."

Nung nakita ni Stephen yung kapatid ko, gulat na gulat siya. Hindi siguro niya ineexpect na makakasalubong namin bigla si Kuya Miel.

"Kuya Miel kasi..-"

Hindi na natuloy ni Stephen yung sinasabi niya kasi nasapak na siya ni Kuya Miel.

"Kuya teka lang."

Sinubukan kong pigilan si kuya kaso ayaw niya talagang magpaawat. Over protective kasi si kuya pagdating sa mga lalaki.

Biglang dumating si David pati Simon.

Inawat nila si kuya pati si Stephen pero ayaw talaga magpaawat ni kuya Miel.

Tumakbo nalang ako.

Dun naman ako magaling eh.

Sa pagtakbo...

Narinig ko pang sabi ni David, "Ako na ang maghahabol sa kanya. Kailangan ka ng kapatid mo."

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa doon ulit ako nakarating. Doon sa cave ng school namin na palagi kong pinagtataguan...

Bakit kasi kailangan pang ganto? Atsaka ako rin namang tanga eh no? Papatol nalang sa pinsan pa. Alam na ngang mali, tinuloy parin. Ako rin tuloy talo sa huli.

Narinig kong may papalapit, si David.

"Akala ko ba sabi mo pagkatiwalaan ko lang siya? Eh bakit nasasaktan ako ngayon?" Ayan. Tumulo na yung mga lechugas kong luha.

"Shh. Tahan na. Sorry. Kung hindi ko sana sinabi yun sayo hindi sana mangyayari to sayo. Sorry ha."

"Wag kang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan eh. Ako yung nagpakatanga. Ako yung nagbulag-bulagan kaya ako yung may kasalanan."

"Shhh." Niyakap ako ni David. Ewan ko pero feeling ko napakasafe ko kapag kasama ko siya. Hindi kami ganun kaclose pero yung mismong presence niya nakakapagpagaan ng loob ko.

"In love, when break up comes and it's time to say goodbye, don't doubt the love just because it didn't last. May mga bagay sa buhay na di man nagtatagal, it doesn't mean na hindi na totoo. Some good things are just never meant to last forever. Okay lang yun. Bless the parting and move on. Expect the tears, sorrows, sleepless nights and pain. Ika nga, it's when you were hurt the worst that you love most. Kung hindi ka willing masaktan, wag ka na lang magmahal."

Natahimik lang ako sa sinabi ni David. Tama naman kasi siya. Lahat ng sinabi niya tama. Sapul na sapul. Ang dami niyang alam sa buhay...

Sana ako rin ganyan, para hindi ako nasasaktan...

DAVID'S POV

Medyo naging awkward ata dahil dun sa sinabi ko. Napahaba ata?

"Teka lang ha." Tumayo ako. "Ibibili lang kita ng tubig sa retail store."

Paalis na sana ako kaso kinuha ni Karen yung kamay ko.

"Wag mo akong iwanan dito."

Huh? Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Please."

Umupo nalang ulit ako sa tabi niya. Aaminin ko sainyo, may gusto ako kay Karen. Simula palang nung nakabangga ko siya, nagkagusto na ako sakanya. Love at first sight, ika nga.

Inakbayan ko nalang siya para makasandal siya sa balikat ko. Minsan lang to mangyari, lubos-lubosin na natin. Hihihi.

Ang tahimik.

"Someday we'll know if love can move a mountain." Kumanta nalang ako. Sobrang tahimik kasi eh. Para naman hindi rin mabore si Karen...

"Someday we'll know why the sky is blue. Someday we'll know why I wasn't meant for you. Someday we'll know why Samson love Delilah. One day I'll go dancing on the moon. Someday you'll know that I was the one for you...."

Tumahimik ata si Karen? Kanina nakikihum siya sakin ha.

Tinignan ko yung orasan ko. 5:45 PM na pala. Nakatulog na pala si Karen.

Binuhat ko nalang si Karen (yung buhat ng mga bagong kasal). Malapit lang naman yung bahay nila Karen sa school kaya nilakad ko nalang.

Nung nakarating na ako sa bahay nila, bumungad sa akin yung kuya ni Karen, Miel ata yun. Mayroong bandage ng kunti yung mukha niya. Siguro napasobra ata yung away nila ni Stephen.

"Nakatulog po siya eh."

"Sige, dun sa unang pinto sa taas yung kwarto niya."

Umakyat na ako dun sa kwarto ni Karen.

Hindi parin nagbabago tong kwarto ni Karen. Parang ilang taon na ang nakalipas ganito parin ichura niya. Ilang taon din ako naghintay bago makapasok ulit dito.

Inihiga ko na siya sa kama niya. Napakapeaceful ng pagtulog niya.

Kinumutan ko nalang siya at hinawakan yung kamay niya at hinalikan to while bidding my goodbye.

"Goodnight Renee."



AHIHIHIHIHI ;))

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi