"We came together underneath the stars above. What started out as liking soon developed into love. I sense a certain something that, in my heart, felt so true that I knew I waited all my life to fall in love with you."

*JENDI ^_____^

Hey hey. Kilala ako sa nickname na Jeje. Nang may makaaway ako, ang tawag niya sakin ay Jendi o di kaya'y Jepoks. Haha. Nagustuhan ko nga kaya yun nalang ilagay ko rito. Try niyo nalang idecipher kung anong ibig sabihin nun ;) I wear eyeglasses so most people think of me as a geek, and I don't know why. I usually write stuff on my cellphone but since it was stolen by some girl, I'd do it here nalang.

Yung iba rito based on true life. I hope you'll like it! Comments are highly appreciated! :)



POSTS

Prologue
Chapter 1
Chapter 2

Layout: hasta mañana
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


Prologue
Sunday, November 28, 2010 || 7:57 PM

Ang ganda ng langit, punong-puno ng stars. Ibang-iba talaga sa probinsya, walang pollution kaya sobrang daming stars. Parang lahat sila kinakausap ako.

"Asan kaya diyan si Kariza?"

"Siguro ayun oh." Nakaturo si Stephen sa pinakamaliwanag na star.

"Uy! May falling star! Mag-wish tayo!" Sabi ni Simon habang nakaturo sa falling star.

Pumikit ako. Naisip ko sana may lubos na magmahal sakin. I was thinking just now about the kind of person I want to be with for the rest of my life. I want someone who can hear me out despite my silence, who can see me beyond all those masks of smiles and laughters and who would understand me even at my worst. Someone who would make me feel that I am too special and therefore worthy to be loved. And lastly, I want someone who won't get tired of showing me that I am the very reason why he exists.

Ang drama ko na, haha.

"Ang haba naman ng wish mo. Sakin sana after 3 years, magkikita-kita ulit tayong tatlo. Sana walang magbago."

"Hala! Bakit mo sinabi, baka hindi magkatotoo!" Makikita mo yung lungkot sa mga mata ni Stephen nung sinabi niya yun, so cute.

Nakakalungkot naman. Sa tagal-tagal ng pinagsamahan naming tatlo, paghihiwalayin nila kami bigla-bigla. Kung sabagay, may kasalanan din naman kami. Pero... Hay...

"Oh, bakit mukhang malungkot ka?"

Ngumiti nalang ako. Minsan talaga kinakailangan mong mag-panggap na masaya ka para lang matigil yung pagtatanong ng mga tao kung anong nangyari.

"Wag kang mag-alala Karen. Magkikita pa naman ulit tayo e." Niyakap ako ni Simon at nagpaalam na siya samin ni Stephen.

Nung nakaalis na si Simon, hinawakan ni Stephen yung kamay ko. "Karen, promise natin sa isa't isa na pagkatapos ng tatlong taon magkikita ulit tayong dalawa. Pagkatapos ng tatlong taon na yun, tayong dalawa parin, okay?" Pagkatapos niyang sabihin yun, bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Siguro this would be the last time bago kami magkita ulit?

"Promise ko yan pinsan."



Yes, I know it was a bit boring. Hahaha. Prologue palang naman eh so I guess there's more room for improvement pa, right? Comments please ;)

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi