"We came together underneath the stars above. What started out as liking soon developed into love. I sense a certain something that, in my heart, felt so true that I knew I waited all my life to fall in love with you."

*JENDI ^_____^

Hey hey. Kilala ako sa nickname na Jeje. Nang may makaaway ako, ang tawag niya sakin ay Jendi o di kaya'y Jepoks. Haha. Nagustuhan ko nga kaya yun nalang ilagay ko rito. Try niyo nalang idecipher kung anong ibig sabihin nun ;) I wear eyeglasses so most people think of me as a geek, and I don't know why. I usually write stuff on my cellphone but since it was stolen by some girl, I'd do it here nalang.

Yung iba rito based on true life. I hope you'll like it! Comments are highly appreciated! :)



POSTS

Prologue
Chapter 1
Chapter 2

Layout: hasta mañana
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


Chapter 2
Saturday, December 4, 2010 || 9:10 PM

2 weeks narin ang nakalipas simula nung nagkita-kita na ulit kami nina Simon at Stephen. Talagang hindi ko namukhaan si Stephen, sobrang gwapo na kasi niya ngayon. As in! Parang nung huli kong kita sakanya, tumutulo-tulo pa uhog nun tapos ngayon binatang-binata na siya. Hahaha.

Busy na halos lahat ng tao ngayon kasi dalawang araw nalang at acquaintance party na. Pero eto namang si Mr. Arcilla, teacher namin sa physics, ayaw kaming pakawalan. Naglelesson parin. Sobra tuloy akong bored.

Hayyy..

Hindi ko na naiintindihan yung sinasabing lesson ni Sir Arcilla. Kusang bumababa na yung mga mata ko. Sobrang inaantok na ako. Di ko mapigilan.

Zzzzzzzzz.

Naramdaman kong may gumagalaw sa kamay ko. Inaalog-alog ako. Ano ba yaaaaaaaaan. Sarap pa naman ng tulog ko.

"Huy Karen. Gumising ka nga diyan. Mukhang may importanteng sasabihin yung visitor eh." Sabi sa akin ni Mark, yung katabi ko sa Physics. Ano raw? May visitor? Minsan lang mangyaring may visitor during classes ha. Siguro importante nga toh.

"Mister, I am sorry to disturb your class pero sabi po sa akin ay kailangan na kailangan na raw pong ipadala itong mga ito." Tapos nakita ko namang may hawak siyang bouquet of flowers.

Ay teka lang!

Hindi ko pa nakikita si Stephen ha! Second subject na wala parin siya. Hindi kaya absent siya? Bakit naman kaya siya aabsent?

Ay teka lang ulit!

Bakit ang weird? Nung nakita ko yung flowers, bakit kaya naalala ko bigla si Stephen? Ano raw, haha. Oh well, baka ako lang yun.

"Para raw po ito kay Ms. Karen Figueroa. Sino po ba siya?" Ano raw? Tama bang dinig ko? Para sa akin daw ba yung mga bulaklak?

"Karen, para sayo raw yung mga bulaklak." Bulong sa akin ni Arnold, yung isa ko pang katabi.

"Ikaw ba nagbigay nun Arnold?"

"Haha Karen talaga mapagbiro kahit kailan. Kunin mo na."

Tumayo na lang ako at kinuha yung mga bulaklak.

"Paki-sign nalang po rito." Tapos may tinuro siyang papel. Ako namang mabait na bata, pumirma.

May card na nakasingit dun sa bouquet of flowers, nakalagay:

"Words aren't enough to tell you how beautiful you are so I sent you these beautiful flowers just for you.

Hope you'll like it!"

Walang pangalan na nakalagay.

"Uhmm. Excuse me po, kanino raw po ba ito galing?" Tanong ko dun sa delivery guy.

"Ay pasensya ka na miss, hindi ko rin po alam e." Weird. Hindi ba dapat alam nila kung sino yung nagsend nung package?

"Teka lang. Simon ikaw ba yan?" Naweirdohan ako. Tumingin ulit sa akin yung delivery guy. Si Simon nga!

Nag-thumbs up lang siya sa akin at umalis na. Weird.

Pero oh well. How sweet naman. Kanino kaya galing ito?

Nang biglang pumasok ulit si Simon. Pero the weird thing is, biglang may pumasok mag-isa na box na malaki. Hahahahahaha. That is one weird box. "Ms. Figueroa, nakalimutan ko po. Kasama pa po pala itong box na ito."

Ano raw? Sakin din daw tong moving box na ito? Eh sobrang laki nito ha?

Pinagmasdan ko ng maigi yung box. Ang laki talaga. Naka-balot yung box ng pang-gift wrapping. Tapos may ribbon na nakalagay sa taas. Ano kayang laman nito at bakit gumagalaw magisa? Tinignan ko yung ilalim, wala namang gulong.

WHOA! Gumalaw ulit yung box. Hahahaha. That was amazing. Hinawakan ko yung box. Tapos naramdaman kong gumagalaw-galaw sa loob.

Nagulat naman ako ng biglang, "SURPRISE!"

Oh my God.

"Stephen? Anong kalokohan to? Bakit ganyan suot-suot mo?" Natawa nalang ako ng mahina. Nakacostume kasi siya ng parang bear. Ang cute naman niya.

Bago siya nagsalita, tumingin muna siya kay Mr. Arcilla at biglang nag-ok sign sakanya si sir. Ano raw? Kailan pa sila naging friends? Haha.

"Wala lang, haha. Nakita kasi kita sa mall kahapon, nakatingin dun sa malaking bear sa Blue Magic. Kinakausap mo pa nga eh. Eh hindi ko naman afford na bigyan ka ng ganun. Kaya nagdamit ganito nalang ako! Hahahaha!"

Awwww. That's so sweet. Umamba akong yakapin siya, at niyakap nga niya ako.

"Thank you ha! Di mo naman kailangang gawin toh e."

"Ano ka ba naman. Siyempre gusto kong pasayahin ka." Tapos kinindatan niya ako. Waaaaa.

"Yieeeee. Kayo haaaaaaa." Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase namin.

Ngayon ko lang narealize na we're in the middle of our classroom pala. Hahahahahahaha.

"Ay teka lang! Single ka naman diba?"

"Oo naman, bakit?"

"Baka mamaya may magselos eh. Hahahaha."

"Eh Stephen, do you have someone in mind right now?" Tanong ni Angeline, yung isa naming kaklase.

"Oo naman! But I'm not sure if I should ask her out."

"Talaga? You should call her right now! As in right now!!" Although that hurts so much, I still have to say it. Alam ko namang best friend lang ang tingin sa akin ni Stephen e, though I really really love him. Sabihin niyo nang bata pa ako, basta alam kong mahal ko si Stephen, kahit sobrang sakit na.

Kahit pinsan ko si Stephen, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya.

Alam ko talaga...

Kahit bawal...

At kahit alam kong walang pag-asa...

"Sige, teka lang ah."

Kinuha niya yung cellphone niya at nag-dial ng number. Tumingin siya sa akin at biglang nag-ring yung cellphone ko. Sinagot ko naman.

"Hello?"

"Will you be my girlfriend?"

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi