"We came together underneath the stars above. What started out as liking soon developed into love. I sense a certain something that, in my heart, felt so true that I knew I waited all my life to fall in love with you."

*JENDI ^_____^

Hey hey. Kilala ako sa nickname na Jeje. Nang may makaaway ako, ang tawag niya sakin ay Jendi o di kaya'y Jepoks. Haha. Nagustuhan ko nga kaya yun nalang ilagay ko rito. Try niyo nalang idecipher kung anong ibig sabihin nun ;) I wear eyeglasses so most people think of me as a geek, and I don't know why. I usually write stuff on my cellphone but since it was stolen by some girl, I'd do it here nalang.

Yung iba rito based on true life. I hope you'll like it! Comments are highly appreciated! :)



POSTS

Prologue
Chapter 1
Chapter 2

Layout: hasta mañana
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


Chapter 5
Saturday, December 11, 2010 || 7:10 PM

July 5, 2010, Monday

"Perseus, nakita mo ba si Stephen?" Dismissal time na kasi at may usapan pa kami ni Stephen na aalis kami ngayon.

Since nung nangyari nung Friday, mas lalo kaming naging close ni Stephen. Close as in parang buong weekend nasa bahay namin siya. Maliban lang nung Saturday, may gagawin daw kasi siyang project eh. Nung hindi naman kami nagkikita, tinatawagan parin ako. Namiss daw niya ako? OA ha?

"Ah si Stephen ba? Kanina nasa may tapat siya ng Filipino room" Sabi ni Perseus.

"Ah ganun ba? Thank you ha!"

"Karen teka lang, may papakita nga pala ako sayo."

"Ano yun?" Tapos may hinalungkat na siya sa bag niya. At nilabas niya yung digital camera niya. Tinapat niya sa mukha ko yung camera at hindi ako makapaniwala sa nakita ko...

Si Stephen...

pati yung Camille...

MAGKASAMA...

"Date: July 3, 2010"

Nung sabado yun ha?

"Perseus pahiram muna ako ng camera mo ha? Babalik ko mamaya." Nag-OK sign naman sa akin si Pers.

Naglakad na ako sa tapat ng Filipino room at nakita ko nga si Stephen doon.

"Babe!" Tapos yinakap niya ako. SUS!

"Stephen ano toh?" Tapos pinakita ko sakanya yung camera ni Perseus. Nag-iba yung facial expression ni Stephen. BLANGKO.

"Wala lang yan."

"Wala lang to? Eh Stephen eto ano to?" Tapos ninext ko yung picture. Yung picture nilang magkahawak yung kamay nila. "Stephen wag mo akong ginagago. AT WAG NA WAG MONG SASABIHING WALA LANG TO." Ninext ko ulit. Picture nilang dalawa, NAGHAHALIKAN.

Kung camera ko lang to kanina ko pa to nabato e.

"Karen kaya ko namang magpaliwanag eh."

Fuck.

"ANO? Anong klaseng paliwanag naman yan? Stephen pinagkatiwalaan kita. TAPOS ETO? Ang kapal ng mukha mong awayin ako tungkol kay Simon tapos IKAW PALA TONG NANGANGALIWA."

Tumalikod ako sakanya.

"Karen teka lang. Pakinggan mo naman ako please." Tapos niyakap niya ako from my back.

"Tangina bitiwan mo ako. Ayoko na Stephen bitiwan mo ako." Nararamdaman ko yung sakit. Yung sakit na niloko ka ng taong pinakamamahal mo. Yung pinagkatiwalaan mo siya ng bonggang-bongga tapos ganito lang igaganti niya sayo. Ang sakit-sakit.

Pinipilit niya akong habulin pero wala na. Binilisan ko nalang yung pagtakbo ko. Patuloy na tumutulo yung luha ko.

Bakit Stephen?

May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?

Bakit kailangang maging ganito?

Napatigil ako sa pagtakbo ko nang may nakabunggo ako.

Blue yung color ng ID niya, fourth year.

"Sorry po. Nagmamadali lang po kasi ako." Sinabi ko habang nakatungo. Nakakahiya naman.

Hinawakan niya yung chin ko at iniangat yung ulo ko.

"Karen?"

Si Kuya Miel pala.

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi