"We came together underneath the stars above. What started out as liking soon developed into love. I sense a certain something that, in my heart, felt so true that I knew I waited all my life to fall in love with you."

*JENDI ^_____^

Hey hey. Kilala ako sa nickname na Jeje. Nang may makaaway ako, ang tawag niya sakin ay Jendi o di kaya'y Jepoks. Haha. Nagustuhan ko nga kaya yun nalang ilagay ko rito. Try niyo nalang idecipher kung anong ibig sabihin nun ;) I wear eyeglasses so most people think of me as a geek, and I don't know why. I usually write stuff on my cellphone but since it was stolen by some girl, I'd do it here nalang.

Yung iba rito based on true life. I hope you'll like it! Comments are highly appreciated! :)



POSTS

Prologue
Chapter 1
Chapter 2

Layout: hasta mañana
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


Chapter 4
Sunday, December 5, 2010 || 6:17 AM

June 30, 2010

"Ano ba kasing ibig sabihin nito?" Nagagalit na talaga si Stephen. Kitang-kita mo sa mga mata niya yung galit, inis at sakit.

"Wala naman kasi talaga yan eh." Wala naman talaga eh. :'(

"PAANONG WALANG IBIG SABIHIN TO?! EH MAGKADIKIT YUNG LABI NIYO NG KAPATID KO!! NGAYON SABIHIN MO SA AKIN KAREN KUNG PAANO NAGING WALA LANG TO!"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Stephen. Pinaliwanag ko na naman sa kanya eh. Siya lang yung nagpipilit na mayroon talagang ibig sabihin yung picture na yun. Kasi wala naman talaga. Kasi si Simon lang naman talaga yun eh. Wala talaga akong ginawa.

Naiyak na lang ako. Ganito ako kahina. Kapag hindi ko na alam ang gagawin ko, iiyak nalang ako. :'(

Tinulak niya ako against sa wall. Ngayon lang nagalit ng ganito si Stephen sa akin. Nakakatakot :'( "Tangina Karen, wag mo akong iniiyakan ng ganyan."

"Stephen sorry. Pero kung ayaw mo talagang maniwala na wala talagang ibig sabihin yan, wala na akong magagawa." Buong tapang kong sinabi sa kanya.

Sinapak niya yung wall gamit yung fist niya. "Tangina naman oh."

"Karen? Stephen? Anong pinagaawayan niyo?" Bastusan? Bigla-bigla nalang pumapasok sa usapan ng may usapan. Inalis ni Stephen yung braso niyang nakatapat sa akin.

"Wala toh."

"Kung tungkol yan sa picture na binigay sayo ni Perseus. Wag kang mag-alala, nakita ko yung buong pangyayari. Si Simon yung humalik kay Karen pero nakita kong sinampal ni Karen si Simon pagkatapos nun. Wala lang. Thought I should let you know about it." Si Arnold yun. Thank you Arnold, for explaining my side.

Umalis na si Arnold at naiwan nalang kaming dalawa ni Stephen sa hallway. Uwian na kaya wala na masyadong tao rito.

Tumingin siya sa mga mata ko. "Naniniwala ka na?"

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Parang wala nang bukas. "Sorry. Hindi kita pinagkatiwalaan. Alam kong mali yun pero..."

"Selos ka lang eh." Jusko. Sa dinami-rami ng pagseselosan yung kakambal pa niya? Hindi ba niya pinagkakatiwalaan yung kapatid niya? God! ???

"Sinong nagseselos?" Sinabi niya yun habang kinakamot yung ulo niya at patingin-tingin kung saan-saan.

Sus. Haha.

"Kunwari ka pa."

"Tara na nga hatid na kita."



July 1, 2010

"Stephen, mamaya naa. Nakikinig pa ako kay Ms. Coco."

Eto kasing si Stephen, kanina pa ako kinukulit ng kinukulit. Kanina pa ako kinakausap hindi tuloy ako makapagconcentrate sa inituturo ni Ms. Coco.

"Wag ka na munang makinig, five minutes nalang naman, uwian na eh. Tignan mo lang ako isang beses lang."

Tinignan ko naman siya. Naka-pout amp. Haha.

"Wag ka ngang ganyan, mukha ka tuloy tanga. Haha."

"Natanga pa ako."

Hala. Mukhang nagalit. Tinignan ko siya, nakatungo sa table.

"Huy Stephen." Pinoke ko siya. Hindi parin nagalaw. Hala, nagtampo yata?

"Okay class, you may go now."

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Ms. Coco, tumayo na agad siya at umalis. Hinabol ko naman. Hala nagalit yata.

Tinakbo ko na, ang bilis kasing maglakad. Hinablot ko yung braso niya, "Stephen."

"Magbabasketball lang ako." Oh yeah nakalimutan ko. Player nga pala ng team ng school namin si Stephen.

"Kung tungkol to dun sa kaninang Chemistry, sorry na. Bati na tayo."

"Hindi, okay lang yun. Sige aalis na ako. May usapan kasi kami nila kuya Jorell eh. Bye." Tapos bigla nalang siyang umalis.

Wow, he is weird. Kung dahil nga yun dun sa Chemistry kanina, hindi ba't parang ang babaw naman nun?



July 2, 2010

Yay! It's Friday today. I can go out with Stephen! Sana naman hindi na siya galit sa akin. Kaso, simula kaninang umaga hindi parin niya ako pinapansin. OMG. What to do.

Then bigla kong naalala. Ayaw nga pala niya ng sinasabihan siyang tanga! Hala, inaway pa niya si Simon nun dati kasi sabi ni Simon sakanya ang tanga-tanga raw niya. Hala. What to do. What to do.

"Uy, Karlo nakita mo ba si Stephen?" Sabi ko sa nakasalubong kong si Karlo, kaklase ko.

"Ah si Stephen ba. Nakita ko siya kanina sa may lockers."

"Ah sige thank you."

Naglakad na ako papunta sa may lockers. At fortunately, andun pa siya. Kasama niya sina Arnold pati Mark, mga kaklase rin namin.

"Uy par, sige. Antayin ka nalang namin sa guardhouse." Sabi ni Mark. Tapos umalis na silang dalawa ni Arnold.

"Stephen."

"Karen kung may sasabihin ka pakibilisan naman. Magdodota pa kasi kami nina Mark pati Arnold eh." Sabi ni Stephen ng dere-deretso. Ang cold naman niya.

"Kung nagagalit ka dahil dun sa Chemistry, hindi ba't parang ang babaw naman nun?"

"Ang babaw? Karen kilala mo naman ako diba? Ayokong tinatawag akong tanga. At pwede, excuse me. Magdodota pa ako."

"Ano ba yan Stephen? Kung kahapon basketball ngayon naman dota? Ano naman bukas? May lakad kayo?" Sabi ko ng galit na galit. Sumusobra na tong lokong to eh.

"Teka lang. Paano mo nalamang ma-"

"Oh baby sino yang kasama mo? Akala ko ba aalis tayo ngayon?" Biglang may lumapit sa aming babae. Hindi ko siya kilala pero kabatch namin siya dahil pink yung ID niya.

Hinila ni Stephen yung babae palayo sa akin. Pero naririnig ko parin yung pinaguusapan nila.

"Camille, akala ko ba malinaw sayo na wag mo na akong guguluhin?"

"Bakit? Natatakot kang malaman niya yung katarantaduhang ginawa mo? Darating ang panahon na malalaman din niyang pinagsabay mo kami." Sabi nung Camille.

Ano raw?

Pinagsabay?

Kami?

:'(

"Tama ba yung narinig ko Stephen?" Sabi ko sakanya habang tumutulo na yung luha ko. :'(

Tumakbo ako. Hindi ko akalaing ganto pala kasakit ang mainlove. Kasi sa mga nababasa ko parang palaging happy ending pero bakit ganito nangyayari sa akin ngayon. Tumakbo ako ng tumakbo at nahanap ko ang sarili kong nasa sahig. May nabangga pala ako.

"Sorry. Hindi ko sinasadya."

"Karen ikaw ba yan?"

Tumingala ako sa nabunggo ko.

"Uy! Erika, David, kayo pala. Sorry ha, Tatanga-tanga kasi ako eh. Hehe."

"Bakit ka naiyak?" Tinanong ni David. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sakanila yung problema ko diba? At yun na nga, kinwento ko na sakanila yung nangyari kanina.

"Alam mo Karen, kung mahal mo talaga si Stephen, kahit anong pagsubok pa ang dumaan kaya niyong lagpasan."

"Atsaka, paniwalaan mo lang kung anong sasabihin niya. Kung mahal ka niyang talaga, magsasabi siya ng totoo sayo at kung mahal mo naman siya in return, paniniwalaan mo yung sinabi niya."

Tama. Tama si David. Hindi ko binigyan ng pagkakataon si Stephen para mag-explain. Ni hindi nga siya nakapagsalita eh. Tumakbo nalang ako bigla. Babalikan ko siya. Tumayo na ako at nagpaalam at nagpasalamat kanila David at Erika.

Hinanap ko si Stephen. Bumalik ako sa lockers pero wala siya. Napaisip ako doon sa sinabi ni David. Kung wala nga talagang mayroon sa kanila nung Camille, bakit naman kaya siya magsasabi ng ganun? Wala lang? Bahala na nga. Basta kailangan kong makausap si Stephen. At kung meron ngang something sakanila nung Camille, magbubulag-bulagan nalang ako. Ako na ang tanga. Basta kailangan kong makita si Stephen.

Finally! Nandito lang pala sa pinagtataguan ko; sa cave ng school namin.

"Stephen. Sorry." Tumayo siya bigla nung nakita niya ako at lumapit sa akin.

"Wag ka ngang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan eh." Bakit parang sa tingin ko, mayroon paring tinatago sa akin si Stephen? O baka naman ako lang yun? Huh?

"Hindi ko man lamang pinakinggan kung ano yung sasabihin mo. Bigla nalang akong tumakbo. Naduwag kasi ako eh. Na baka mamaya masaktan lang ako. Pero Stephen, alam ko namang hindi mo kayang gawin sa akin yun eh."

Niyakap niya lang ako. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. May iba bang ibig sabihin yun? O ako lang nagbibigay ng ibang ibig sabihin doon? Napaparanoid na yata ako? Hay. Ganito nga siguro kapag inlove ka. Andami mong naiisip na kung ano-ano.

"Basta Stephen, pinagkakatiwalaan kita ng buong puso ko. Mahal kita."

Bakit parang...

"Mahal na mahal din kita."

May mali? O ako lang ulit yun? Hay...


Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi