"We came together underneath the stars above. What started out as liking soon developed into love. I sense a certain something that, in my heart, felt so true that I knew I waited all my life to fall in love with you."

*JENDI ^_____^

Hey hey. Kilala ako sa nickname na Jeje. Nang may makaaway ako, ang tawag niya sakin ay Jendi o di kaya'y Jepoks. Haha. Nagustuhan ko nga kaya yun nalang ilagay ko rito. Try niyo nalang idecipher kung anong ibig sabihin nun ;) I wear eyeglasses so most people think of me as a geek, and I don't know why. I usually write stuff on my cellphone but since it was stolen by some girl, I'd do it here nalang.

Yung iba rito based on true life. I hope you'll like it! Comments are highly appreciated! :)



POSTS

Prologue
Chapter 1
Chapter 2

Layout: hasta mañana
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


Chapter 3
Saturday, December 4, 2010 || 11:46 PM

It's been two days since nung sinagot ko si Stephen. Grabe, alam ko namang mali pero it feels so right. May mga bagay kasi talaga na kahit alam nating mali pinipilit nating maging tama. Bakit? Kasi dun tayo masaya. Dito ako masaya, sa piling ni Stephen. Ikaw ba kung papipiliin ka, sa tama na malungkot ka o sa mali pero masaya ka?

Wow ang drama ko na.

Two days palang ang kakalipas at sobra pa sa sobra ang kasweetan nitong si Pipen, nakakabadtrip. Naloloka ako masyado sakanya e. Haha.

Katulad nalang nung one time, naglalakad ako sa hallway tapos bigla siyang nadapa sa harapan ko. Nagulat naman ako, tatanga-tanga ba naman itong boyfriend ko. Nung tutulungan ko na siya, biglang banat ba naman, "See how I fall for you?" Haha. Imbis na tulungan ko nabatukan ko pa e!

Anyway, back to the present. Acquaintance party na ng section namin at magpeperform na kami ni Stephen. Anong gagawin namin? Abangan! Haha.

"KAREN!" Sabay palo sakin. Nagulat naman ako rito kay Pipen, bigla-bigla nalang nanghahampas.

"PIPEN!" Pinalo ko rin siya. Haha. Nang makaganti naman ako.

"Bastos ka talaga kahit kailan."

"Ano nanamang ginawa ko?" With matching puppy eyes pa yan ha.

"Bigla-bigla ka nalang kasi pumapasok sa isip ko eh."Aww. Kahit luma na yang mga pick-up lines na yan, kinikilig parin ako. Hahahahaha.

"Bogart ka talaga."

"Eh masasabi mo bang bobo ako, kung ikaw lang naman laman ng isip ko."

"Loko ka talaga Stephen! Umayos ka na nga. Tayo na yung susunod na magpeperform oh."

Kinuha na ni Stephen yung gitara niya at ako naman inayos ko na yung posisyon ng mga daliri ko sa organ na dala naman ni Simon.

Nagsimula nang tugtugin ni Stephen yung gitara niya.

"Do you hear me? I'm talking to you." Habang nakatingin siya sakin. Parang kinakausap talaga ako eh. Haha. "Across the water, across the deep blue ocean; under the open sky, oh my, baby I'm trying."

Sinimulan ko nang pindutin yung mga keys ng organ habang tinutugtog parin ni Stephen yung gitara niya. "Boy I hear you in my dreams. I feel your whisper across the sea, I keep you with me in my heart. You make it easier when life gets hard."

Yung mga kaklase ko naman, kilig na kilig. Mas kinikilig pa sila sa akin. Makikita mo sa mga itsura nila eh. Tinitignan ko lang sila, natatawa na ako. Hahahahahahaha. "I'm lucky I'm in love with my bestfriend. Lucky to have been where I have been. Lucky to be coming home again. Ooh"

Tinapos na kaagad namin yung kanta. Saglit lang daw kasi dapat yung performance. Yung mga kaklase ko, tuwang-tuwa talaga. Sobra pa sa sobra mga palakpak nila eh. Hahahaha.

Iniwan ko na yung organ dun kasi magplaplay rin daw si Simon ng kanta sa organ. Wow. Hindi ko alam na marunong pala mag-organ si Simon.

"Paalala lang ha, AKO SI SIMON! Baka kasi akala niyo Stephen eh. Hahahahaha. Anyway, this song is for this certain girl that I never had."

Hindi ko alam, may lovelife pala toh si Simon. These past few days kasi hindi kami nakakapagbonding masyado kasi tinutuon ko kay Stephen yung atensyon ko eh.

Biglang tumingin sa akin si Simon at ngumiti siya. Nginitian ko rin siya, haha.

Sinimulan niyang pindutin yung keys ng organ. "I can take the rain on the roof of this empty house, that don't bother me. I can take a few tears now and then and just let them out."

Lahat ng mga kaklase ko, titig na titig sila kay Simon. He looks so amazing while playing the organ. Tapos tumingin siya sa akin. As in yung parang may meaning yung tingin niyang yun.

"I'm not afraid to cry every once in a while even though going on with you gone still upsets me. There are days every now and again I pretend I'm okay but that's not what gets me."

Bakit parang feeling ko, para sa akin yung kanta? Kung hindi naman para sa akin yan, bakit ganyan siya makatingin sa akin?

Lol, wag kang maging masyadong assuming Karen. Sige ka, ikaw rin.

"What hurts the most was being so close. And having so much to say and watching you walk away. And never knowing what could've been. And not seeing that loving you is what I was trying to do."

Mas grabe pa yung palakpakan nila sa performance ni Simon. Tapos hanggang ngayon nakatingin parin siya sa akin. Pupunta siguro siya sa akin pero tumayo bigla si Stephen na katabi ko.

Nagulat kaming lahat kasi biglang hinila ni Stephen si Simon papalabas. Sinundan ko naman sila kasi baka mamaya nagaaway na pala yung magkapatid. Pero hindi ako nagpakita, nagtago lang ako sa isang side.

"Ano bang problema, Stephen? Bakit bigla-bigla mo nalang akong hihilain ng ganyan?!"

"Tinatanong mo kung anong problema ko? Eh gago ka rin pala eh! Malamang ikaw!"

"Ano nanaman bang ginawa ko, Stephen?"

"Simon, hindi ko gusto yung ginawa mo kanina ha."

"Ano bang meron? Kumanta lang naman ako ha?"

"Habang nakatingin sa girlfriend ko! Pwede ba Simon, layuan mo na si Karen. Alam mo namang kami diba?"

"Magkaibigan lang kami ni Karen, Stephen. Ano bang masama dun?" Tama magkaibigan lang kami ni Simon. Wala namang malisya dun diba?

"Pwede ba Simon. Wag ka na ngang mag-play safe diyan. Alam ko namang may gusto ka kay Karen eh." ANO RAW?

"Eh pano kapag sinabi ko sayong may gusto nga ako kay Karen. May magagawa ka pa ba?"

"ANOOOOOOO?!?"

Oh my God. Napalakas yung pagsigaw ko. Kailangan ko nang tumakbo.

"Karen? Ikaw ba yan?"

Shit. Narecognize niya yung boses ko. Kailangan nang tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang napadpad ako dun sa cave ng school namin.

Bakit naman ganun? Bakit kailangan pang sabihin yun ni Simon? Ayokong maniwala kasi sobrang dami nang pagkakamali sa buhay ko. Etong kay Stephen, mali pero ginagawa ko parin. Baka mamaya, masayang pa yung pagkakaibigan namin ni Simon nang dahil lang dito.

"Karen? Anong ginagawa mo rito?"

Tumingin ako sakanya. Grabe.

"Oh bakit ka umiiyak? Shh. Tahan na." Sinabi niya habang yakap-yakap ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.

"Simon sorry ha."

"Para saan naman?"

"Para sa mga nagawa ko noon. Sa mga ginagawa ko ngayon. At sa mga magagawa ko sa future. Sorry sa lahat-lahat." Sinabi ko yun with sincerity.

Tinitigan niya lang ako.

"Karen sorry ha. Sainyong dalawa ni Stephen."

"Bakit naman?"

"Dahil dito."

Then he kissed me... on the lips.

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi