"We came together underneath the stars above. What started out as liking soon developed into love. I sense a certain something that, in my heart, felt so true that I knew I waited all my life to fall in love with you."

*JENDI ^_____^

Hey hey. Kilala ako sa nickname na Jeje. Nang may makaaway ako, ang tawag niya sakin ay Jendi o di kaya'y Jepoks. Haha. Nagustuhan ko nga kaya yun nalang ilagay ko rito. Try niyo nalang idecipher kung anong ibig sabihin nun ;) I wear eyeglasses so most people think of me as a geek, and I don't know why. I usually write stuff on my cellphone but since it was stolen by some girl, I'd do it here nalang.

Yung iba rito based on true life. I hope you'll like it! Comments are highly appreciated! :)



POSTS

Prologue
Chapter 1
Chapter 2

Layout: hasta mañana
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


Chapter 7
Monday, December 27, 2010 || 4:49 AM

July 6, 2010; Tuesday

"Karen bumangon ka na dyan, aalis tayo ngayon."

Aalis? Eh Tuesday ngayon ha? Tinignan ko yung orasan na nasa side table ko. AY?!? 10AM NA!?!

"Umabsent ka muna ngayon. Today is officially brother-sister day! Search mo pa sa google. Pero siyempre joke ko lang yun. Sinabi ko na kina mommy pati daddy yung tungkol dito. Okay naman daw. Ligo ka na."

"Sige."

Si kuya talaga oh. Masyado akong mahal. Ay kung hindi ko pa namemention sa inyo ang buong pangalan pala nitong kapatid ko ay Kadmiel. Pero I prefer talaga na tawagin siyang kuya Miel, mas maganda. Lahat kami letter K eh. Haha mahilig sa K magulang ko.

Anyway, may napaniginipan ako kagabi.

Si Japol. May tumawag kasi sa aking Renee, eh si Japol lang naman tumatawag sa akin ng ganun? Ewan pero namimiss ko na rin yung mokong na yun. Pero ewan, di nagparamdam after graduation eh. Ayun, di ko na nakakausap o nacocontact man lang.



Nagpunta na nga kami ni kuya Miel sa Robinsons Ermita. Lahat ba naman ng luho ko pinagbibigyan. Ano kayang nakain nito? Haha.

Pumila na kami nun sa McDo para umorder nang may makakita biglang sumigaw sa likod ko.

"PAR!"

Edi kami naman ng kapatid ko nacurious kung sinong par ba yung tinatawag nitong ugok na to. Kalakas-lakas ng boses parang nasa kabilang bundok yung kausap.

Nung paglingon naman ni kuya Miel, parang nakakita ng multo. Magkakilala?

"Uy par ikaw pala yan. Nag-absent ka rin? HAHA!"

"Oo eh. Tinamad ako biglang pumasok. Dito nalang ako dumerecho."

"Wow grabe nang dahil sa katamaran."

"Eh ikaw ba bakit ka napadpad dito?"

"Ay, may date kasi ako eh. Nga pala Jorell, meet Karen. Karen, si Jorell kaibigan ko." Tapos inakbayan ako ni kuya. Kadate? Haha. Loko-loko rin tong kapatid ko eh.

"Loko-loko ka. Parang hindi ko kilala yang kapatid mo ah."

"Ay sabi ko nga kilala mo si Karen."

"Ay matanong ko lang, paano mo nga pala ako nakilala?"

"Nababanggit ka kasi sa akin ni Stephen dati." Awts.

"Hoy wag mo ngang binabanggit pangalan nung gagong yun sa harapan ko. Awww. Kaya love ko tong kapatid ko eh.

"Ay may nangyari ba? Sorry. Pero sige par una na ako. Nakita ko lang kasi kayo kaya dumaan muna ako saglit."

"Ah ganun ba? Sige Jor."

"Bye."

"Ay Karen kung ano mang ginawa sa iyo ni Stephen, wag mo nalang intindihin. He's not worth your beauty."

"Ay hehe thank you."

"And he's not worth your tears. Sige paalam."

Ay? Paano naman kaya niya nalaman na umiiyak-iyak ako nang dahil kay Stephen? :-/

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi

Chapter 6
Saturday, December 18, 2010 || 10:11 PM

"Bakit ka umiiyak?"

Niyakap ko nalang si kuya Miel. Tapos biglang dumating si Stephen.

"Karen."

"Siya ba? Siya ba yung nagpaiyak sayo?"

"Kuya Miel."

Nung nakita ni Stephen yung kapatid ko, gulat na gulat siya. Hindi siguro niya ineexpect na makakasalubong namin bigla si Kuya Miel.

"Kuya Miel kasi..-"

Hindi na natuloy ni Stephen yung sinasabi niya kasi nasapak na siya ni Kuya Miel.

"Kuya teka lang."

Sinubukan kong pigilan si kuya kaso ayaw niya talagang magpaawat. Over protective kasi si kuya pagdating sa mga lalaki.

Biglang dumating si David pati Simon.

Inawat nila si kuya pati si Stephen pero ayaw talaga magpaawat ni kuya Miel.

Tumakbo nalang ako.

Dun naman ako magaling eh.

Sa pagtakbo...

Narinig ko pang sabi ni David, "Ako na ang maghahabol sa kanya. Kailangan ka ng kapatid mo."

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa doon ulit ako nakarating. Doon sa cave ng school namin na palagi kong pinagtataguan...

Bakit kasi kailangan pang ganto? Atsaka ako rin namang tanga eh no? Papatol nalang sa pinsan pa. Alam na ngang mali, tinuloy parin. Ako rin tuloy talo sa huli.

Narinig kong may papalapit, si David.

"Akala ko ba sabi mo pagkatiwalaan ko lang siya? Eh bakit nasasaktan ako ngayon?" Ayan. Tumulo na yung mga lechugas kong luha.

"Shh. Tahan na. Sorry. Kung hindi ko sana sinabi yun sayo hindi sana mangyayari to sayo. Sorry ha."

"Wag kang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan eh. Ako yung nagpakatanga. Ako yung nagbulag-bulagan kaya ako yung may kasalanan."

"Shhh." Niyakap ako ni David. Ewan ko pero feeling ko napakasafe ko kapag kasama ko siya. Hindi kami ganun kaclose pero yung mismong presence niya nakakapagpagaan ng loob ko.

"In love, when break up comes and it's time to say goodbye, don't doubt the love just because it didn't last. May mga bagay sa buhay na di man nagtatagal, it doesn't mean na hindi na totoo. Some good things are just never meant to last forever. Okay lang yun. Bless the parting and move on. Expect the tears, sorrows, sleepless nights and pain. Ika nga, it's when you were hurt the worst that you love most. Kung hindi ka willing masaktan, wag ka na lang magmahal."

Natahimik lang ako sa sinabi ni David. Tama naman kasi siya. Lahat ng sinabi niya tama. Sapul na sapul. Ang dami niyang alam sa buhay...

Sana ako rin ganyan, para hindi ako nasasaktan...

DAVID'S POV

Medyo naging awkward ata dahil dun sa sinabi ko. Napahaba ata?

"Teka lang ha." Tumayo ako. "Ibibili lang kita ng tubig sa retail store."

Paalis na sana ako kaso kinuha ni Karen yung kamay ko.

"Wag mo akong iwanan dito."

Huh? Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Please."

Umupo nalang ulit ako sa tabi niya. Aaminin ko sainyo, may gusto ako kay Karen. Simula palang nung nakabangga ko siya, nagkagusto na ako sakanya. Love at first sight, ika nga.

Inakbayan ko nalang siya para makasandal siya sa balikat ko. Minsan lang to mangyari, lubos-lubosin na natin. Hihihi.

Ang tahimik.

"Someday we'll know if love can move a mountain." Kumanta nalang ako. Sobrang tahimik kasi eh. Para naman hindi rin mabore si Karen...

"Someday we'll know why the sky is blue. Someday we'll know why I wasn't meant for you. Someday we'll know why Samson love Delilah. One day I'll go dancing on the moon. Someday you'll know that I was the one for you...."

Tumahimik ata si Karen? Kanina nakikihum siya sakin ha.

Tinignan ko yung orasan ko. 5:45 PM na pala. Nakatulog na pala si Karen.

Binuhat ko nalang si Karen (yung buhat ng mga bagong kasal). Malapit lang naman yung bahay nila Karen sa school kaya nilakad ko nalang.

Nung nakarating na ako sa bahay nila, bumungad sa akin yung kuya ni Karen, Miel ata yun. Mayroong bandage ng kunti yung mukha niya. Siguro napasobra ata yung away nila ni Stephen.

"Nakatulog po siya eh."

"Sige, dun sa unang pinto sa taas yung kwarto niya."

Umakyat na ako dun sa kwarto ni Karen.

Hindi parin nagbabago tong kwarto ni Karen. Parang ilang taon na ang nakalipas ganito parin ichura niya. Ilang taon din ako naghintay bago makapasok ulit dito.

Inihiga ko na siya sa kama niya. Napakapeaceful ng pagtulog niya.

Kinumutan ko nalang siya at hinawakan yung kamay niya at hinalikan to while bidding my goodbye.

"Goodnight Renee."



AHIHIHIHIHI ;))

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi

Chapter 5
Saturday, December 11, 2010 || 7:10 PM

July 5, 2010, Monday

"Perseus, nakita mo ba si Stephen?" Dismissal time na kasi at may usapan pa kami ni Stephen na aalis kami ngayon.

Since nung nangyari nung Friday, mas lalo kaming naging close ni Stephen. Close as in parang buong weekend nasa bahay namin siya. Maliban lang nung Saturday, may gagawin daw kasi siyang project eh. Nung hindi naman kami nagkikita, tinatawagan parin ako. Namiss daw niya ako? OA ha?

"Ah si Stephen ba? Kanina nasa may tapat siya ng Filipino room" Sabi ni Perseus.

"Ah ganun ba? Thank you ha!"

"Karen teka lang, may papakita nga pala ako sayo."

"Ano yun?" Tapos may hinalungkat na siya sa bag niya. At nilabas niya yung digital camera niya. Tinapat niya sa mukha ko yung camera at hindi ako makapaniwala sa nakita ko...

Si Stephen...

pati yung Camille...

MAGKASAMA...

"Date: July 3, 2010"

Nung sabado yun ha?

"Perseus pahiram muna ako ng camera mo ha? Babalik ko mamaya." Nag-OK sign naman sa akin si Pers.

Naglakad na ako sa tapat ng Filipino room at nakita ko nga si Stephen doon.

"Babe!" Tapos yinakap niya ako. SUS!

"Stephen ano toh?" Tapos pinakita ko sakanya yung camera ni Perseus. Nag-iba yung facial expression ni Stephen. BLANGKO.

"Wala lang yan."

"Wala lang to? Eh Stephen eto ano to?" Tapos ninext ko yung picture. Yung picture nilang magkahawak yung kamay nila. "Stephen wag mo akong ginagago. AT WAG NA WAG MONG SASABIHING WALA LANG TO." Ninext ko ulit. Picture nilang dalawa, NAGHAHALIKAN.

Kung camera ko lang to kanina ko pa to nabato e.

"Karen kaya ko namang magpaliwanag eh."

Fuck.

"ANO? Anong klaseng paliwanag naman yan? Stephen pinagkatiwalaan kita. TAPOS ETO? Ang kapal ng mukha mong awayin ako tungkol kay Simon tapos IKAW PALA TONG NANGANGALIWA."

Tumalikod ako sakanya.

"Karen teka lang. Pakinggan mo naman ako please." Tapos niyakap niya ako from my back.

"Tangina bitiwan mo ako. Ayoko na Stephen bitiwan mo ako." Nararamdaman ko yung sakit. Yung sakit na niloko ka ng taong pinakamamahal mo. Yung pinagkatiwalaan mo siya ng bonggang-bongga tapos ganito lang igaganti niya sayo. Ang sakit-sakit.

Pinipilit niya akong habulin pero wala na. Binilisan ko nalang yung pagtakbo ko. Patuloy na tumutulo yung luha ko.

Bakit Stephen?

May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?

Bakit kailangang maging ganito?

Napatigil ako sa pagtakbo ko nang may nakabunggo ako.

Blue yung color ng ID niya, fourth year.

"Sorry po. Nagmamadali lang po kasi ako." Sinabi ko habang nakatungo. Nakakahiya naman.

Hinawakan niya yung chin ko at iniangat yung ulo ko.

"Karen?"

Si Kuya Miel pala.

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi

Chapter 4
Sunday, December 5, 2010 || 6:17 AM

June 30, 2010

"Ano ba kasing ibig sabihin nito?" Nagagalit na talaga si Stephen. Kitang-kita mo sa mga mata niya yung galit, inis at sakit.

"Wala naman kasi talaga yan eh." Wala naman talaga eh. :'(

"PAANONG WALANG IBIG SABIHIN TO?! EH MAGKADIKIT YUNG LABI NIYO NG KAPATID KO!! NGAYON SABIHIN MO SA AKIN KAREN KUNG PAANO NAGING WALA LANG TO!"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Stephen. Pinaliwanag ko na naman sa kanya eh. Siya lang yung nagpipilit na mayroon talagang ibig sabihin yung picture na yun. Kasi wala naman talaga. Kasi si Simon lang naman talaga yun eh. Wala talaga akong ginawa.

Naiyak na lang ako. Ganito ako kahina. Kapag hindi ko na alam ang gagawin ko, iiyak nalang ako. :'(

Tinulak niya ako against sa wall. Ngayon lang nagalit ng ganito si Stephen sa akin. Nakakatakot :'( "Tangina Karen, wag mo akong iniiyakan ng ganyan."

"Stephen sorry. Pero kung ayaw mo talagang maniwala na wala talagang ibig sabihin yan, wala na akong magagawa." Buong tapang kong sinabi sa kanya.

Sinapak niya yung wall gamit yung fist niya. "Tangina naman oh."

"Karen? Stephen? Anong pinagaawayan niyo?" Bastusan? Bigla-bigla nalang pumapasok sa usapan ng may usapan. Inalis ni Stephen yung braso niyang nakatapat sa akin.

"Wala toh."

"Kung tungkol yan sa picture na binigay sayo ni Perseus. Wag kang mag-alala, nakita ko yung buong pangyayari. Si Simon yung humalik kay Karen pero nakita kong sinampal ni Karen si Simon pagkatapos nun. Wala lang. Thought I should let you know about it." Si Arnold yun. Thank you Arnold, for explaining my side.

Umalis na si Arnold at naiwan nalang kaming dalawa ni Stephen sa hallway. Uwian na kaya wala na masyadong tao rito.

Tumingin siya sa mga mata ko. "Naniniwala ka na?"

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Parang wala nang bukas. "Sorry. Hindi kita pinagkatiwalaan. Alam kong mali yun pero..."

"Selos ka lang eh." Jusko. Sa dinami-rami ng pagseselosan yung kakambal pa niya? Hindi ba niya pinagkakatiwalaan yung kapatid niya? God! ???

"Sinong nagseselos?" Sinabi niya yun habang kinakamot yung ulo niya at patingin-tingin kung saan-saan.

Sus. Haha.

"Kunwari ka pa."

"Tara na nga hatid na kita."



July 1, 2010

"Stephen, mamaya naa. Nakikinig pa ako kay Ms. Coco."

Eto kasing si Stephen, kanina pa ako kinukulit ng kinukulit. Kanina pa ako kinakausap hindi tuloy ako makapagconcentrate sa inituturo ni Ms. Coco.

"Wag ka na munang makinig, five minutes nalang naman, uwian na eh. Tignan mo lang ako isang beses lang."

Tinignan ko naman siya. Naka-pout amp. Haha.

"Wag ka ngang ganyan, mukha ka tuloy tanga. Haha."

"Natanga pa ako."

Hala. Mukhang nagalit. Tinignan ko siya, nakatungo sa table.

"Huy Stephen." Pinoke ko siya. Hindi parin nagalaw. Hala, nagtampo yata?

"Okay class, you may go now."

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Ms. Coco, tumayo na agad siya at umalis. Hinabol ko naman. Hala nagalit yata.

Tinakbo ko na, ang bilis kasing maglakad. Hinablot ko yung braso niya, "Stephen."

"Magbabasketball lang ako." Oh yeah nakalimutan ko. Player nga pala ng team ng school namin si Stephen.

"Kung tungkol to dun sa kaninang Chemistry, sorry na. Bati na tayo."

"Hindi, okay lang yun. Sige aalis na ako. May usapan kasi kami nila kuya Jorell eh. Bye." Tapos bigla nalang siyang umalis.

Wow, he is weird. Kung dahil nga yun dun sa Chemistry kanina, hindi ba't parang ang babaw naman nun?



July 2, 2010

Yay! It's Friday today. I can go out with Stephen! Sana naman hindi na siya galit sa akin. Kaso, simula kaninang umaga hindi parin niya ako pinapansin. OMG. What to do.

Then bigla kong naalala. Ayaw nga pala niya ng sinasabihan siyang tanga! Hala, inaway pa niya si Simon nun dati kasi sabi ni Simon sakanya ang tanga-tanga raw niya. Hala. What to do. What to do.

"Uy, Karlo nakita mo ba si Stephen?" Sabi ko sa nakasalubong kong si Karlo, kaklase ko.

"Ah si Stephen ba. Nakita ko siya kanina sa may lockers."

"Ah sige thank you."

Naglakad na ako papunta sa may lockers. At fortunately, andun pa siya. Kasama niya sina Arnold pati Mark, mga kaklase rin namin.

"Uy par, sige. Antayin ka nalang namin sa guardhouse." Sabi ni Mark. Tapos umalis na silang dalawa ni Arnold.

"Stephen."

"Karen kung may sasabihin ka pakibilisan naman. Magdodota pa kasi kami nina Mark pati Arnold eh." Sabi ni Stephen ng dere-deretso. Ang cold naman niya.

"Kung nagagalit ka dahil dun sa Chemistry, hindi ba't parang ang babaw naman nun?"

"Ang babaw? Karen kilala mo naman ako diba? Ayokong tinatawag akong tanga. At pwede, excuse me. Magdodota pa ako."

"Ano ba yan Stephen? Kung kahapon basketball ngayon naman dota? Ano naman bukas? May lakad kayo?" Sabi ko ng galit na galit. Sumusobra na tong lokong to eh.

"Teka lang. Paano mo nalamang ma-"

"Oh baby sino yang kasama mo? Akala ko ba aalis tayo ngayon?" Biglang may lumapit sa aming babae. Hindi ko siya kilala pero kabatch namin siya dahil pink yung ID niya.

Hinila ni Stephen yung babae palayo sa akin. Pero naririnig ko parin yung pinaguusapan nila.

"Camille, akala ko ba malinaw sayo na wag mo na akong guguluhin?"

"Bakit? Natatakot kang malaman niya yung katarantaduhang ginawa mo? Darating ang panahon na malalaman din niyang pinagsabay mo kami." Sabi nung Camille.

Ano raw?

Pinagsabay?

Kami?

:'(

"Tama ba yung narinig ko Stephen?" Sabi ko sakanya habang tumutulo na yung luha ko. :'(

Tumakbo ako. Hindi ko akalaing ganto pala kasakit ang mainlove. Kasi sa mga nababasa ko parang palaging happy ending pero bakit ganito nangyayari sa akin ngayon. Tumakbo ako ng tumakbo at nahanap ko ang sarili kong nasa sahig. May nabangga pala ako.

"Sorry. Hindi ko sinasadya."

"Karen ikaw ba yan?"

Tumingala ako sa nabunggo ko.

"Uy! Erika, David, kayo pala. Sorry ha, Tatanga-tanga kasi ako eh. Hehe."

"Bakit ka naiyak?" Tinanong ni David. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sakanila yung problema ko diba? At yun na nga, kinwento ko na sakanila yung nangyari kanina.

"Alam mo Karen, kung mahal mo talaga si Stephen, kahit anong pagsubok pa ang dumaan kaya niyong lagpasan."

"Atsaka, paniwalaan mo lang kung anong sasabihin niya. Kung mahal ka niyang talaga, magsasabi siya ng totoo sayo at kung mahal mo naman siya in return, paniniwalaan mo yung sinabi niya."

Tama. Tama si David. Hindi ko binigyan ng pagkakataon si Stephen para mag-explain. Ni hindi nga siya nakapagsalita eh. Tumakbo nalang ako bigla. Babalikan ko siya. Tumayo na ako at nagpaalam at nagpasalamat kanila David at Erika.

Hinanap ko si Stephen. Bumalik ako sa lockers pero wala siya. Napaisip ako doon sa sinabi ni David. Kung wala nga talagang mayroon sa kanila nung Camille, bakit naman kaya siya magsasabi ng ganun? Wala lang? Bahala na nga. Basta kailangan kong makausap si Stephen. At kung meron ngang something sakanila nung Camille, magbubulag-bulagan nalang ako. Ako na ang tanga. Basta kailangan kong makita si Stephen.

Finally! Nandito lang pala sa pinagtataguan ko; sa cave ng school namin.

"Stephen. Sorry." Tumayo siya bigla nung nakita niya ako at lumapit sa akin.

"Wag ka ngang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan eh." Bakit parang sa tingin ko, mayroon paring tinatago sa akin si Stephen? O baka naman ako lang yun? Huh?

"Hindi ko man lamang pinakinggan kung ano yung sasabihin mo. Bigla nalang akong tumakbo. Naduwag kasi ako eh. Na baka mamaya masaktan lang ako. Pero Stephen, alam ko namang hindi mo kayang gawin sa akin yun eh."

Niyakap niya lang ako. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. May iba bang ibig sabihin yun? O ako lang nagbibigay ng ibang ibig sabihin doon? Napaparanoid na yata ako? Hay. Ganito nga siguro kapag inlove ka. Andami mong naiisip na kung ano-ano.

"Basta Stephen, pinagkakatiwalaan kita ng buong puso ko. Mahal kita."

Bakit parang...

"Mahal na mahal din kita."

May mali? O ako lang ulit yun? Hay...


Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi

Chapter 3
Saturday, December 4, 2010 || 11:46 PM

It's been two days since nung sinagot ko si Stephen. Grabe, alam ko namang mali pero it feels so right. May mga bagay kasi talaga na kahit alam nating mali pinipilit nating maging tama. Bakit? Kasi dun tayo masaya. Dito ako masaya, sa piling ni Stephen. Ikaw ba kung papipiliin ka, sa tama na malungkot ka o sa mali pero masaya ka?

Wow ang drama ko na.

Two days palang ang kakalipas at sobra pa sa sobra ang kasweetan nitong si Pipen, nakakabadtrip. Naloloka ako masyado sakanya e. Haha.

Katulad nalang nung one time, naglalakad ako sa hallway tapos bigla siyang nadapa sa harapan ko. Nagulat naman ako, tatanga-tanga ba naman itong boyfriend ko. Nung tutulungan ko na siya, biglang banat ba naman, "See how I fall for you?" Haha. Imbis na tulungan ko nabatukan ko pa e!

Anyway, back to the present. Acquaintance party na ng section namin at magpeperform na kami ni Stephen. Anong gagawin namin? Abangan! Haha.

"KAREN!" Sabay palo sakin. Nagulat naman ako rito kay Pipen, bigla-bigla nalang nanghahampas.

"PIPEN!" Pinalo ko rin siya. Haha. Nang makaganti naman ako.

"Bastos ka talaga kahit kailan."

"Ano nanamang ginawa ko?" With matching puppy eyes pa yan ha.

"Bigla-bigla ka nalang kasi pumapasok sa isip ko eh."Aww. Kahit luma na yang mga pick-up lines na yan, kinikilig parin ako. Hahahahaha.

"Bogart ka talaga."

"Eh masasabi mo bang bobo ako, kung ikaw lang naman laman ng isip ko."

"Loko ka talaga Stephen! Umayos ka na nga. Tayo na yung susunod na magpeperform oh."

Kinuha na ni Stephen yung gitara niya at ako naman inayos ko na yung posisyon ng mga daliri ko sa organ na dala naman ni Simon.

Nagsimula nang tugtugin ni Stephen yung gitara niya.

"Do you hear me? I'm talking to you." Habang nakatingin siya sakin. Parang kinakausap talaga ako eh. Haha. "Across the water, across the deep blue ocean; under the open sky, oh my, baby I'm trying."

Sinimulan ko nang pindutin yung mga keys ng organ habang tinutugtog parin ni Stephen yung gitara niya. "Boy I hear you in my dreams. I feel your whisper across the sea, I keep you with me in my heart. You make it easier when life gets hard."

Yung mga kaklase ko naman, kilig na kilig. Mas kinikilig pa sila sa akin. Makikita mo sa mga itsura nila eh. Tinitignan ko lang sila, natatawa na ako. Hahahahahahaha. "I'm lucky I'm in love with my bestfriend. Lucky to have been where I have been. Lucky to be coming home again. Ooh"

Tinapos na kaagad namin yung kanta. Saglit lang daw kasi dapat yung performance. Yung mga kaklase ko, tuwang-tuwa talaga. Sobra pa sa sobra mga palakpak nila eh. Hahahaha.

Iniwan ko na yung organ dun kasi magplaplay rin daw si Simon ng kanta sa organ. Wow. Hindi ko alam na marunong pala mag-organ si Simon.

"Paalala lang ha, AKO SI SIMON! Baka kasi akala niyo Stephen eh. Hahahahaha. Anyway, this song is for this certain girl that I never had."

Hindi ko alam, may lovelife pala toh si Simon. These past few days kasi hindi kami nakakapagbonding masyado kasi tinutuon ko kay Stephen yung atensyon ko eh.

Biglang tumingin sa akin si Simon at ngumiti siya. Nginitian ko rin siya, haha.

Sinimulan niyang pindutin yung keys ng organ. "I can take the rain on the roof of this empty house, that don't bother me. I can take a few tears now and then and just let them out."

Lahat ng mga kaklase ko, titig na titig sila kay Simon. He looks so amazing while playing the organ. Tapos tumingin siya sa akin. As in yung parang may meaning yung tingin niyang yun.

"I'm not afraid to cry every once in a while even though going on with you gone still upsets me. There are days every now and again I pretend I'm okay but that's not what gets me."

Bakit parang feeling ko, para sa akin yung kanta? Kung hindi naman para sa akin yan, bakit ganyan siya makatingin sa akin?

Lol, wag kang maging masyadong assuming Karen. Sige ka, ikaw rin.

"What hurts the most was being so close. And having so much to say and watching you walk away. And never knowing what could've been. And not seeing that loving you is what I was trying to do."

Mas grabe pa yung palakpakan nila sa performance ni Simon. Tapos hanggang ngayon nakatingin parin siya sa akin. Pupunta siguro siya sa akin pero tumayo bigla si Stephen na katabi ko.

Nagulat kaming lahat kasi biglang hinila ni Stephen si Simon papalabas. Sinundan ko naman sila kasi baka mamaya nagaaway na pala yung magkapatid. Pero hindi ako nagpakita, nagtago lang ako sa isang side.

"Ano bang problema, Stephen? Bakit bigla-bigla mo nalang akong hihilain ng ganyan?!"

"Tinatanong mo kung anong problema ko? Eh gago ka rin pala eh! Malamang ikaw!"

"Ano nanaman bang ginawa ko, Stephen?"

"Simon, hindi ko gusto yung ginawa mo kanina ha."

"Ano bang meron? Kumanta lang naman ako ha?"

"Habang nakatingin sa girlfriend ko! Pwede ba Simon, layuan mo na si Karen. Alam mo namang kami diba?"

"Magkaibigan lang kami ni Karen, Stephen. Ano bang masama dun?" Tama magkaibigan lang kami ni Simon. Wala namang malisya dun diba?

"Pwede ba Simon. Wag ka na ngang mag-play safe diyan. Alam ko namang may gusto ka kay Karen eh." ANO RAW?

"Eh pano kapag sinabi ko sayong may gusto nga ako kay Karen. May magagawa ka pa ba?"

"ANOOOOOOO?!?"

Oh my God. Napalakas yung pagsigaw ko. Kailangan ko nang tumakbo.

"Karen? Ikaw ba yan?"

Shit. Narecognize niya yung boses ko. Kailangan nang tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang napadpad ako dun sa cave ng school namin.

Bakit naman ganun? Bakit kailangan pang sabihin yun ni Simon? Ayokong maniwala kasi sobrang dami nang pagkakamali sa buhay ko. Etong kay Stephen, mali pero ginagawa ko parin. Baka mamaya, masayang pa yung pagkakaibigan namin ni Simon nang dahil lang dito.

"Karen? Anong ginagawa mo rito?"

Tumingin ako sakanya. Grabe.

"Oh bakit ka umiiyak? Shh. Tahan na." Sinabi niya habang yakap-yakap ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.

"Simon sorry ha."

"Para saan naman?"

"Para sa mga nagawa ko noon. Sa mga ginagawa ko ngayon. At sa mga magagawa ko sa future. Sorry sa lahat-lahat." Sinabi ko yun with sincerity.

Tinitigan niya lang ako.

"Karen sorry ha. Sainyong dalawa ni Stephen."

"Bakit naman?"

"Dahil dito."

Then he kissed me... on the lips.

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi

Chapter 2
|| 9:10 PM

2 weeks narin ang nakalipas simula nung nagkita-kita na ulit kami nina Simon at Stephen. Talagang hindi ko namukhaan si Stephen, sobrang gwapo na kasi niya ngayon. As in! Parang nung huli kong kita sakanya, tumutulo-tulo pa uhog nun tapos ngayon binatang-binata na siya. Hahaha.

Busy na halos lahat ng tao ngayon kasi dalawang araw nalang at acquaintance party na. Pero eto namang si Mr. Arcilla, teacher namin sa physics, ayaw kaming pakawalan. Naglelesson parin. Sobra tuloy akong bored.

Hayyy..

Hindi ko na naiintindihan yung sinasabing lesson ni Sir Arcilla. Kusang bumababa na yung mga mata ko. Sobrang inaantok na ako. Di ko mapigilan.

Zzzzzzzzz.

Naramdaman kong may gumagalaw sa kamay ko. Inaalog-alog ako. Ano ba yaaaaaaaaan. Sarap pa naman ng tulog ko.

"Huy Karen. Gumising ka nga diyan. Mukhang may importanteng sasabihin yung visitor eh." Sabi sa akin ni Mark, yung katabi ko sa Physics. Ano raw? May visitor? Minsan lang mangyaring may visitor during classes ha. Siguro importante nga toh.

"Mister, I am sorry to disturb your class pero sabi po sa akin ay kailangan na kailangan na raw pong ipadala itong mga ito." Tapos nakita ko namang may hawak siyang bouquet of flowers.

Ay teka lang!

Hindi ko pa nakikita si Stephen ha! Second subject na wala parin siya. Hindi kaya absent siya? Bakit naman kaya siya aabsent?

Ay teka lang ulit!

Bakit ang weird? Nung nakita ko yung flowers, bakit kaya naalala ko bigla si Stephen? Ano raw, haha. Oh well, baka ako lang yun.

"Para raw po ito kay Ms. Karen Figueroa. Sino po ba siya?" Ano raw? Tama bang dinig ko? Para sa akin daw ba yung mga bulaklak?

"Karen, para sayo raw yung mga bulaklak." Bulong sa akin ni Arnold, yung isa ko pang katabi.

"Ikaw ba nagbigay nun Arnold?"

"Haha Karen talaga mapagbiro kahit kailan. Kunin mo na."

Tumayo na lang ako at kinuha yung mga bulaklak.

"Paki-sign nalang po rito." Tapos may tinuro siyang papel. Ako namang mabait na bata, pumirma.

May card na nakasingit dun sa bouquet of flowers, nakalagay:

"Words aren't enough to tell you how beautiful you are so I sent you these beautiful flowers just for you.

Hope you'll like it!"

Walang pangalan na nakalagay.

"Uhmm. Excuse me po, kanino raw po ba ito galing?" Tanong ko dun sa delivery guy.

"Ay pasensya ka na miss, hindi ko rin po alam e." Weird. Hindi ba dapat alam nila kung sino yung nagsend nung package?

"Teka lang. Simon ikaw ba yan?" Naweirdohan ako. Tumingin ulit sa akin yung delivery guy. Si Simon nga!

Nag-thumbs up lang siya sa akin at umalis na. Weird.

Pero oh well. How sweet naman. Kanino kaya galing ito?

Nang biglang pumasok ulit si Simon. Pero the weird thing is, biglang may pumasok mag-isa na box na malaki. Hahahahahaha. That is one weird box. "Ms. Figueroa, nakalimutan ko po. Kasama pa po pala itong box na ito."

Ano raw? Sakin din daw tong moving box na ito? Eh sobrang laki nito ha?

Pinagmasdan ko ng maigi yung box. Ang laki talaga. Naka-balot yung box ng pang-gift wrapping. Tapos may ribbon na nakalagay sa taas. Ano kayang laman nito at bakit gumagalaw magisa? Tinignan ko yung ilalim, wala namang gulong.

WHOA! Gumalaw ulit yung box. Hahahaha. That was amazing. Hinawakan ko yung box. Tapos naramdaman kong gumagalaw-galaw sa loob.

Nagulat naman ako ng biglang, "SURPRISE!"

Oh my God.

"Stephen? Anong kalokohan to? Bakit ganyan suot-suot mo?" Natawa nalang ako ng mahina. Nakacostume kasi siya ng parang bear. Ang cute naman niya.

Bago siya nagsalita, tumingin muna siya kay Mr. Arcilla at biglang nag-ok sign sakanya si sir. Ano raw? Kailan pa sila naging friends? Haha.

"Wala lang, haha. Nakita kasi kita sa mall kahapon, nakatingin dun sa malaking bear sa Blue Magic. Kinakausap mo pa nga eh. Eh hindi ko naman afford na bigyan ka ng ganun. Kaya nagdamit ganito nalang ako! Hahahaha!"

Awwww. That's so sweet. Umamba akong yakapin siya, at niyakap nga niya ako.

"Thank you ha! Di mo naman kailangang gawin toh e."

"Ano ka ba naman. Siyempre gusto kong pasayahin ka." Tapos kinindatan niya ako. Waaaaa.

"Yieeeee. Kayo haaaaaaa." Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase namin.

Ngayon ko lang narealize na we're in the middle of our classroom pala. Hahahahahahaha.

"Ay teka lang! Single ka naman diba?"

"Oo naman, bakit?"

"Baka mamaya may magselos eh. Hahahaha."

"Eh Stephen, do you have someone in mind right now?" Tanong ni Angeline, yung isa naming kaklase.

"Oo naman! But I'm not sure if I should ask her out."

"Talaga? You should call her right now! As in right now!!" Although that hurts so much, I still have to say it. Alam ko namang best friend lang ang tingin sa akin ni Stephen e, though I really really love him. Sabihin niyo nang bata pa ako, basta alam kong mahal ko si Stephen, kahit sobrang sakit na.

Kahit pinsan ko si Stephen, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya.

Alam ko talaga...

Kahit bawal...

At kahit alam kong walang pag-asa...

"Sige, teka lang ah."

Kinuha niya yung cellphone niya at nag-dial ng number. Tumingin siya sa akin at biglang nag-ring yung cellphone ko. Sinagot ko naman.

"Hello?"

"Will you be my girlfriend?"

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi

Chapter 1
Monday, November 29, 2010 || 4:48 AM

Oh my. I am so dead. First day of school, late ako. Naturingan pa namang batch representative tapos late on your first day? Oh my.

Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Nakita ko si Kariza. She was with Simon, Stephen pati ako and we were laughing. Parang... ang saya-saya namin. The end. Lol. Ang ganda nu? Haha. Ngayon lang kasi ako nagkapanaginip na magkakasama kami.

Kapag minamalas ka nga naman oh, traffic pa! Argh! Lagi nalang ganito sa Quiapo! Kapag late ako nagigising, nagiging traffic na! Bakit ba kasi ang daming tao rito?!? My my.

Bumaba na ako sa Faura. Lecheng stop light yan oh, naabutan pa ako. Waaa, ang tagal. Time check : 6:40 AM. Grabe I am so dead. Maaga pa namang nagpapapasok kapag first day.

Sa wakas green light narin. Grabe, bakit ang daming tao? Tapos puro usok nalalanghap ko. Ano ba naman to. Eto ang ayaw ko sa Manila e, puro usok.

Usok. Usok. Usok. Wala nang ibang nalanghap kundi usok.

Pagdating ko ng school, nagmadali na akong tumakbo papunta sa quadrangle. How I wish na hindi pa tapos yung flag ceremony para makahabol pa ako kahit papaano.

"Argh! Lahat na ng kamalasan sa mundo napunta sakin! Akin na nga!" Sa sobrang hassle napasigaw na ako.

"Sorry miss, ha. Hindi kasi kita nakita."

"Hindi mo ako nakita? Ano ka, bulag? Argh! Whatever!" Yes, I know that was a bit rude pero nabadtrip na talaga ako. Hindi ba niya nakikita itong blue pin sa ID ko.

Supreme Student Government
3rd year batch representative
Karen C. Figueroa


Lol, yabang. Anyway, nakahabol naman ako sa flag ceremony. Wondering why nagmamadali talaga ako? May iaannounce kasi kaming mga batch representive eh. Napag-usapan na sa meeting.

Umakyat na ako sa stage. Pero before that siyempre inayos ko muna sarili ko, haha. "To all third year students, each class is required to have an acquaintance party on the 30th of June. For more information, please ask your homeroom advisers."

So yeah. Dumerecho na ako ng homeroom namin at umupo doon sa may pangalan ko. Dito kasi sa school namin, nakalagay na sa table yung pangalan ng uupo roon. Usually alphabetical yung order e. May nakaupo na sa left side ko pero hindi ko na muna siya pinansin.

Tapos may biglang pumasok sa room, yung guy awhile ago. Tapos umupo siya sa tabi ko. Siguro siya ang seatmate ko for this quarter.

"Hey. You were the guy awhile ago. Sorry kanina ha. Nagmamadali lang talaga ako. I hope you would forgive me." Habang naka-bow pa yan. Ay, ano to? Nasa Korea ka teh? Hahaha. Barahin daw ba sarili? Lol.

"Hindi okay lang yun. May I ask what is your name?" Wow, umeenglish si kuya. Haha. Pero in fairness ha, gwapo siya.

"Karen C. Figueroa. Pleasure to meet you." Tapos nakipag-handshake naman ako. Then he smiled at me. Oh my. May naaalala ako sa ngiting yun... Hay...

"Tao ka ba?" Ay ano raw? Haha weird ha.

"Bakit? Mukha ba akong aso?" Natawa nalang ako sa sarili ko, haha. Nilabas ko nalang yung notebook ko at nagdoodle ng kung anu-ano. Weird naman ng mga tao rito.

"Akala ko kasi puso kita." Parang... narinig ko na dati yun ah. Hay naman talaga...

"Oh bakit? May problema ba?" Tinanong niya ako. Nagbuntong-hininga lang ulit ako.

"Anong problema?" Inulit pa talaga niya ha.

"Masama na bang huminga ngayon?" Ayan. Napasigaw pa tuloy ako. "Sorry. May naalala lang kasi ako."

"Ano naman yun? Share ka naman diyan." He suddenly said. Ay, feeling close ka kuya? Haha.

"There's this guy three years ago who made a promise to me and I miss him so much. Sabi niya babalik siya pero... Hay... Basta. I guess you wouldn't understand naman."

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. He is one weird guy. Tapos makikita mo sa mga mata niya na masaya talaga siya. "Karen, ikaw nga yan." Tapos yinakap niya ako bigla. Oh my, he is really weird.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Sorry but do I know you?"

"You mean hindi mo na kami naaalala?" Sabi nung guy sa left ko. Oh my. They have the same face.

"Oh my."

"Yes. I was that guy three years ago."

Post a comment? [0] // Back to top // ~jendi